^

PSN Palaro

Pangasinan, Negros namayagpag sa MBA

-
Nagpilit na bumangon ang Osaka-Pangasinan at RCPI-Negros mula sa kanilang pagkatalo nang kanilang iposte ang kani-kanilang panalo sa magkahiwalay na laban noong Huwebes ng gabi sa MBA First Conference.

Binanderahan nina Romel Adducul at Chris Clay ang Pangasinan Waves nang kanilang pabagsakin ang Cagayan de Oro Amigos, 107-97 sa San Fabian Gym, habang pinayukod naman ng Negros Slashers ang Professional Davao Eagles, 95-80 sa likod ng husay ni John Ferriols na ang aksiyon ay idinaos naman sa St. La Salle Gym sa Bacolod City.

Ipinamalas ni Adducul ang pormang nagputong sa kanya ng 2000 MVP title nang humakot ng 27 puntos at humatak ng 15 rebounds, habang nagdagdag naman si Clay ng 21 puntos, apat na rebounds at apat na assists nang kanilang tapatan ang matinding hamong ibinigay ng Amigos upang iposte ang kanilang unang panalo matapos ang dalawang laro.

Kumana naman si Ferriols ng 28 puntos bukod pa ang pagdomina nito sa boards katulong sina Reynel Hugnatan at Carlo Esipiritu upang igiya ang Slashers sa kanilang unang tagumpay makaraan ang unang kabiguan.

Samantala, maghaharap naman ang Olongapo at ang Professional Davao sa alas-3 ng hapon, habang titipanin ng Batangas ang Negros Slashers sa alas-6 ng gabi sa St. La Salle Gym sa Bacolod.

BACOLOD CITY

CARLO ESIPIRITU

CHRIS CLAY

FIRST CONFERENCE

JOHN FERRIOLS

KANILANG

NEGROS SLASHERS

ORO AMIGOS

PANGASINAN WAVES

ST. LA SALLE GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with