^

PSN Palaro

Maagang pamumuno asam ng Ateneo

-
Isa sa matinding layunin ngayon ng Ateneo-Negros Navigation ay ang makasosyo sa pansamantalang maagang pamumuno sa kanilang nakatakdang pakikipagtipan sa Challenge Cup champion Shark Energy Drink ngayon sa eliminations ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Tangka ng Blue Eagles, humatak ng 74-66 panalo sa kanilang debut game kontra Montana noong nakaraang Biyernes na maisukbit ang ikalawang sunod na tagumpay sa pang-alas-4 ng hapong engkuwentro nila ng Shark na maghahatid sa kanila sa pakikisalo sa Kutitap Toothpaste at ICTSI-La Salle na pawang naglista na ng tig-dalawang sunod na panalo.

Sa kabila nito, umaasa rin ang Ana Freezers na makapasok na rin sa win column matapos ang kanilang dalawang sunod na kabiguan sa nakatakdang laban nila ng Montana sa alas-6 ng gabi.

Aasahan ni Banal ang balikat ng 6-foot-7 na sina Val Domingo, 6’5 na si Paolo Bugia upang maka-pagbigay ng suporta kay Enrico Villanueva upang tapatan ang twin-towers na sina Rysal Castro at Irvin Sotto.

Bukod sa nabanggit, aasa rin si Banal kina Magnum Membrere, Jeremy Anicete at Wesley Gonzales upang makipagsabayan kina Shark’s Warren Ybañez, Ismael Junio at Clarence Cole.

ANA FREEZERS

ATENEO-NEGROS NAVIGATION

BLUE EAGLES

CHALLENGE CUP

CLARENCE COLE

ENRICO VILLANUEVA

IRVIN SOTTO

ISMAEL JUNIO

JEREMY ANICETE

KUTITAP TOOTHPASTE

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with