RP Youth tinuruan ng Leksiyon
April 9, 2002 | 12:00am
Tinuruan ng Kutitap ng leksiyon ang guest team RP Youth Team nang kanila itong pasadsarin sa pamamagitan ng 101-72 pananalasa upang ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa PBL Chairmans Cup sa Caruncho gym sa Pasig kahapon.
Agad kumawala ang Teeth Sparklers sa unang quarter pa lamang upang kontrolin ang laro kung saan kanilang tinambakan ng 36 puntos ang Juniors mens team ng bansa na nagsasanay para sa kanilang paglahok sa Southeast Asian Basketball Association Jrs. Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Setyembre.
Ang 15-14 bentahe ng Kutitap ay lumaki sa 27-18 sa pagtatapos ng unang canto nang pangunahan nina Mark Saquilayan at Christian Luanzon ang isang 12-4 run at mula ritoy di na muling pinaporma pa ang Youth team.
Sa pangunguna nina Cyrus Baguio, Allan Salangsang at Niño Gelig na tumapos ng 17, 16 at 14-puntos, ayon sa pagkakasunod, naibandera ng Kutitap ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa 88-52, 8:15 ang oras sa ikaapat na quarter mula sa layup ni Jaymar Rivera. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended