Sa kauna-unahang pagkakataon, magpapakita ng aksiyon ang Chow-dry Cup lightflyweight gold medalist Harry Tanamor sa flyweight class kung saan kanyang pangungunahan ang kampanya ng bansa sa pagharap kay Cristobal Salgado ng Spain sa quarterfinal round ng 12-nation tournament.
Nakakuha naman ng bye ang kababayang si Violito Payla, gold medalist rin sa Chowdry Cup dalawang linggo na ang nakakaraan sa Azerbaijan patungong semifinals kung saan posibleng maitakda ang all-Pinoy title showdown sa international event na ito kung saan ang Philippines ang siyang natatanging Asian country na kalahok.
Makikipagpalitan naman ng suntok si Roel Laguna kontra Hungarian Gyorgy Farkas sa quarterfinals ng featherweight class.
Haharapin ni Romeo Brin, sasabak sa lightweight division ang isa pang Hungarian si Robert Maczic.
Kukumpletuhin ni Vincent Palicte ang nakatakdang schedules sa quarterfinals ng mga Filipinos sa kanyang pakikipaglaban kontra At-Hit Thiangtong sa alas-6 ng gabi.
Ang lahat ng quarter-final bouts ay lalaruin sa Biyernes, habang ang semifinals ay gaganapin sa Sabado. Nakatakda ang finals sa Linggo.
Nakasisiguro na ang bansa na ang kanilang paglahok dito ay supor-tado ng Philippine Sports Commission, ng ikalawang bronze mula kay Anthony Igusquiza na nakakuha ng bye patungong semis ng four-man lightweight division.
Makikipagbasagan ng mukha si Igusquiza, gold medalist sa Box-Am competition sa Spain noong nakaraang taon kontra Russian Aleksander Maletin, silver medalist sa 2000 Sydney Olympics.