Pinoy pugs na pagod pa sa biyahe sasabak sa aksiyon
April 6, 2002 | 12:00am
HELSINKI, Finland-Sasabak sa aksiyon ang pagod pang Team Philippines na dumating dito noong Miyerkules ng gabi mula sa 17,000 kilometrong biyahe mula Manila simula ngayon kontra sa ilang mahuhusay na fighters sa mahigpitang labanan sa Europe sa pagsisimula ng 2000 Gumnar Barfund International Amateur Boxing Championships.
Ang six-man team ay nagsimula ng kanilang gym workout, tatlong oras makaraan ang kanilang pagdating dito mula sa connecting flight galing sa Paris upang makundisyon para sa nasabing tournament na idinaraos bilang parangal sa Finland legendary pre-war heavyweight champion na sumakabilang buhay noong 1982.
Sa kabila ng malamig na klima dito na halos ang kalahati ay natatabunan ng mga yelo, ang Philippine boxers ay nasa magandang kundisyon sa kanilang kampanya para sa respetadong pagtatapos sa tatlong araw na tournament na nilahukan ng 12 bansa.
Sasabak si Harry Tanamor, gold medalist sa katatapos pa lamang na Chowdhry Cup sa Azerbaijan sa mas mataas na division flyweight kasama ang kababayang si Violito Payla makaraang tanggalin ng organizers ang kanyang event sa light flyweight dahil sa kawalan ng lahok.
Ang iba pang miyembro ng koponan na suportado ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Revicon ay sina Vicente Palicte (bantam), Roel Laguna (feather), Anthony Igusquiza (lightweight) at Romeo Brin (light welter). Sina Nolito "Boy Velasco at Pat Gaspi ang siyang tatayong coach ng koponan.
Ayon kay Manny Lopez, presidente ng Amateur Boxing Association of the Philippines na ang foreign exposure ng mga boxers ay bahagi ng kanilang mahabang preparasyon na magsisilbi ring buildup para sa nalalapit na Asian Games sa Busan, Korea.
Ayon sa kanya ang performance ng mga boxers ang siya ring magiging basehan sa pagpili ng mga bubuo sa Asian Games team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended