Jewelers dinagit ng Ateneo Blue Eagles
April 6, 2002 | 12:00am
Lalong umigting ang opensang ipinamalas ng Ateneo Blue Eagles sa final fourth quater matapos maabutan ng Montana Pawnshop upang ilusot ang 74-66 panalo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum kahapon.
Gumamit ang Ateneo, sponsored ng Hapee Toothpaste sa tulong ng Negros Navigation Company, ng 14-2 run upang makaahon sa 4-puntos na pagkakahuli at iselyo ang buwenamanong panalo.
Mula sa 60-55 kalamangan ng Eagles, umangat ang kalamangan sa 64-60 patungong huling 3:53 oras ng labanan.
Ngunit buhat dito, tanging ang basket ni Magnum Membrere ang naging produksiyon ng Jewelers na naglapit ng score sa 66-69, 43.7 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Ngunit umiskor ng split si Celino Cruz na sinundan naman ng dalawang free throw ni Larry Fonacier matapos makakuha ng foul mula sa kanyang naagawan ng pasa na si Roy Falcasantos upang iposte ang panigurong kalamangan sa 72-66 25 segundo na lang ang oras sa laro bago tuluyang isinelyo ni Paolo Bugia ang final score sa pamamagitan ng kanyang dalawang bonus shots.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest