Pinansiyal na tulong sa Sering Cup dinagdagan
April 5, 2002 | 12:00am
Dahil lumaki ang bilang ng mga bansang kalahok sa nalalapit na Milo National Open Track and Field Championships na tatawaging Gov. Sering Cup, minabuti ng Philippine Sports Commission na dagdagan ang tulong pinansiyal para sa naturang event.
Mula sa orihinal na 7 bansa, umabot na sa 43 ang inimbitahang makibahagi sa torneong gaganapin bilang pagbibigay pugay kay Sering, dating Philippine Olympic Committee at track and field president at founding president ng Asian Amateur Athletics Association o 4As. "We initially approved the release of P2-million for the event. But because we are aware of the number of countries that have indicated their participation, we decided to release P3-million to the PATAFA as support," ani PSC chairman Eric Buhain sa kanyang lingguhang pakikipag-panayam sa media kahapon.
Dinagdag pa ng dating champion swimmer na nakiusap sa kanya si athletics chief Go Teng Kok hinggil sa posibleng dagdag ng supor-tang pinansiyal sa Gov. Sering Cup na dadaluhan ng mga batikang atleta mula sa ibat-ibang bansa sa Asya.
Nauna rito, P1.8 million lamang sa hinihinging P4-million ang inaprobahan ng PSC bilang suporta nito sa naturang torneo na gaganapin sa Mayo 1-4, sa Rizal Memorial Stadium.
Ilan sa mga bansang nagbigay ng kanilang maagang confirmation sa kanilang partisipasyon ay ang Thailand, Brunei, Singapore at Hongkong.
Malugod naming tinanggap ang pagkakatalaga ng bagong PSC Commissioner na si Leon "Binggoy" Montemayor na nabinyagan sa pitong oras na board meeting kamakalawa kung saan nabago ang ilang policy ng PSC.
Dahil puro tungkol sa pera ang pinag-usapan sa naturang meeting, binago ni Buhain ang alituntunin sa pagre-release at liquidation ng pondo.
Bibigyan lamang ng atensiyon ang mga financial request na inihain 60-day before gayundin ang mga liquidations na isinumite, sa loob ng 30-days.
Ayon kay Buhain, mahihirapan ang NSAs na makakuha ng kanilang susunod na financial assistance kung hindi nila ito susundin. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am