^

PSN Palaro

Bagitong John-O Juzz nanalo

-
Nagpasiklab ang bagitong koponan ng John-O Juzz nang kanilang buksan ang kampanya sa PBL Chairman’s Cup sa pamamagitan ng 102-101 tagumpay kontra sa Ana Freezers sa pagbubukas ng 2002 season kahapon sa Makati Coliseum.

Nagbida sa buwena manong panalong ito ng John-O si Froilan Baguion na umiskor ng winning basket sa huling 1.2 segundo ng labanan upang kumpletuhin ang kanyang 20 puntos, 6 rebounds at 8 assists performance.

Abot-kamay na ng Freezers ang tagumpay at wala nang dapat gawin kundi ubusin na lamang ang oras ngunit maagang tumira si Ronald Pascual, 11 segundo pa ang nalalabing tikada sa orasan nang magmintis ang kanyang jumper.

Ito ang nagbigay daan sa coast-to-coast basket ni Baguion kung saan nalusutan nito ang limang defenders na naglagay sa trangko sa Juzz, 1.2 segundo ang nalalabing oras sa laro.

Wala nang nangyari sa huling posesyon ng Ana nang hindi na umabot sa ring ang desperadong tira ni Pascual mula sa midcourt hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Papasok sa huling 1:05 oras ng labanan, angat ang Freezer Kings sa 101-96 matapos ang tip-in ni Ronald Tubid mula sa nagmintis na basket ni James Laygo.

Umiskor naman si Archen Cayabyab ng basket at dalawang free-throws mula sa na-foul out na si Robin Mendoza upang ilapit ng John-O sa 100-101, 23 segundo na lamang ang nalalabing oras sa bakbakan.

ANA FREEZERS

ARCHEN CAYABYAB

FREEZER KINGS

FROILAN BAGUION

JAMES LAYGO

JOHN-O

JOHN-O JUZZ

MAKATI COLISEUM

ROBIN MENDOZA

RONALD PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with