Nailista ng Talk N Text, na may nakasabit na itim na tela sa kanilang jersey bilang pagluluksa pagkamatay ng batang aktor na si Rico Yan, na endorser ng kanilang kompanya, ang kanilang ikaanim na sunod na panalo sa ikapitong pakikipaglaban na naglapit din sa kanila sa twice-to-beat advantage na gantimpala ng top four teams pagkatapos ng eliminations na ito.
Hindi dumating sa bansa si Lester Neal, kapalit ni Bu Willingham, sa di malamang dahilan na naging sanhi ng ika-anim na sunod na pag-katalo ng Turbo Chargers bunga ng kanilang pinakakulelat na 1-7 record.
Kahit na naiwanan na ng 11-puntos ang Turbo Chargers, 73-84 sa ika-apat na quarter, nagawa pa rin nilang magbangon at magkaroon ng tsansa sa tagumpay matapos makalapit sa 84-88, matapos ang 9-2 run na tinapos ni Mike Hrabak ng back-to-back baskets, 1:32 ang nalalabing oras sa laro.
Ngunit hindi na nasustinihan ng Shell ang kanilang oposisyon sanhi ng kanilang pagkatalo.
Pinangunahan ni Jerald Honeycutt ang Phone pals sa tinapos nitong 33-puntos, 11 nito sa ikalawang quarter na sinundan ng kanyang katuwang na si Rich Frahm ng 16-puntos habang tumapos din ng double digit sina Mark Telan at Victor Pablo na may 14 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.
Sa ikalawang laro, hiniya ng San Miguel Beer ang Barangay Ginebra, 74-56. (Ulat ni Carmela Ochoa)