Kutitap, Blu pinakamahigpit na karibal ng Shark
March 31, 2002 | 12:00am
Sa pagliban ng Welcoat, magiging mahigpit na karibal ngayon ng Shark Energy Drinks ang Kutitap Toothpaste at Blu Sun Power sa pagbubukas ng 2002 PBL Chairmans Cup sa Miyerkules, Abril 3 sa Makati Coliseum.
Ang Kutitap, na third placer sa nakaraang kumperensiya, ay pinalakas ang kanilang frontcourt sa pag-dagdag ni 66 James Razon upang makatulong ni 65 Alwin Espiritu at Allan Salangsang.
Pinapirma din ng Kutitap sina Francis Gerald Jones, Cesar Catli at ang 63 rookie guard na si Christian Luanzon upang palakasin ang kanilang init sa likuran ng mga datihang sina Ryan Dy, Niño Gelig, Cyrus Baguio, Francis Mercado at Mark Saquilayan.
Kukumpleto naman sa team sina Glenn Yuson, JB Sison, Jaymar Rivera at Rodel Mallari.
Muling magbabalik naman ang Blu Sun Power mula sa nakadidismayang pagtatapos ng kunin ni team owner Dioceldo Sy ang serbisyo ni Leo Isaac bilang bagong coach ng koponan.
At kung nakuha ni Isaac ang titulo sa PBL-CBF Partnership Cup sa Cebu na kanilang batayan, ang Detergent Kings ay magiging malaking banta sa korona.
Nagpakita si Lou Gatumbato na maaari niyang punan ang posisyon ni Egay Billones nang magsagawa ito ng crucial blows sa panalo ng Blu kasama sina John Prior at Rey Mendez.
Malaking karagdagan din sina Fil-Am Francis Machica sa intensidad ng team at magbibigay ng firepower sina Jacques Gottenbos at Aries Dimaunahan kasama nina Eric de la Cuesta, Tristan Codamon, Arnold Calo at Marlon Legaspi.
Kukumpleto naman sa team sina Mel Latoreno, Abraham Santos, Micko Roldan at Arnel Manalac.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended