^

PSN Palaro

Castillo, saan ipupuwesto?

-
Walang laro ngayon, sa Huwebes at Biyernes ang Philippine Basketball Association upang bigyan daan ang Semana Santa, ngunit habang magba-bakasyon ang kasalukuyang Samsung Governors Cup, magkakaroon ng tsansa si National coach Jong Uichico para pag-isipan ang isang maselang isyu.

Isang malaking concern ngayon ng National coaching staff ang kalalagyan ni Noy Castillo na nag-balik na sa bansa mula sa Estados Unidos kung saan sumailalim ito sa tatlong operasyon.

"This is really a sticky situation," pahayag ni RP coach Jong Uichico. "The coaching staff will have to decide on this."

Si Castillo ay isa sa mga napili sa National pool na tatlong buwan nang nagsasanay sa pamamagi-tan ng pagpapartisipa sa kasalukuyang Governors Cup, na magiging basehan kung sino ang maita-talaga sa Pambansang koponan na ipapadala sa Asian Games na gaganapin sa Busan, South Korea sa Setyembre.

Di gaya ng ibang Candidate players, si Castillo ay hindi pa nakikilatisan ng National coaching staff at inaasahang makakapagpakitang gilas ito sa kan-yang pagbabalik sa Abril 7.

May isa pa sanang operasyon na isasagawa kay Castillo ngunit kinansela na niya ito dahil sa kanyang kagustuhang makahabol sa try-out bunga na rin ng kanyang pagnanais na makapaglingkod para sa bansa.

Magbabalik aksiyon ang PBA sa Easter Sunday kung saan maglalaban ang Shell Velocity at Talk ‘N Text, gayundin ang magkapatid na kumpanyang Ba-rangay Ginebra at San Miguel Beer.

ASIAN GAMES

EASTER SUNDAY

ESTADOS UNIDOS

GOVERNORS CUP

JONG UICHICO

N TEXT

NOY CASTILLO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAMSUNG GOVERNORS CUP

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with