^

PSN Palaro

Amateur ang PBL

-
EXCITED na excited na ang lahat sa pagsisimula ng ika-20 season ng Philippine Basketball League (PBL) sa Abril 3. At kahit na si commissioner Chino Trinidad mismo ay nae-excite din. Kasi nga, siya ang inabot ng 20th year ng premyadong amateur league ng bansa. Nais daw niyang ipakita sa mga dating commissioners ng liga na hindi niya ito pina-bayaan at sa halip ay ginawa niya ang lahat upang yumabong ito.

Sa tutoo lang ay napakahirap din ng naging kalagayan ni Commissioner Trinidad sa unang dalawang taong panunungkulan niya sa liga. Kasi nga, nagkaproblema ang PBL hinggil sa status nito nang ideklara ni dating Games and Amusements Board (GAB) Chairman Domeng Cepeda na professional ang liga.

Mula nang umupo si Trinidad ay naging malaking bahagi ng kanyang alalahanin ang patunayan na ang PBL ay isang amateur league. Noon ngang isang taon ay muntik nang mabulilyaso ang paglahok ng mga collegiate players sa Challenge Cup dahil sa nakabitin pa rin ang estado ng PBL.

Kinailangan pang dumulog sa Malacañang ni Trinidad at chairman Dioceldo Sy upang humingi ng tulong at ma-reverse ang deklarasyon ng GAB. Nabigyan naman ng cease and desist order ng Malacañang ang GAB at nagkaroon ng status quo kung kaya’t nakapaglaro ang mga collegiate players buhat sa NCAA at UAAP sa nakalipas na Challenge Cup.

Puwes, ngayon ay wala nang problema si Trinidad at ang pamunuan ng PBL. Kasi nga’y binawi na ng GAB ang naunang deklarasyon nito at sa ilalim ng kasalukuyang Chairman ay napanatili ang estado nitong amateur. Kaya nga nagpapasala-mat nang malaki si Trinidad sa pangyayaring ito. Aniya’y magan-dang regalo ito sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng liga.

"Yun lang naman ang gusto namin, eh. Ang makatulong sa mga collegiate players na pag-igihan pa ang kanilang kaalaman sa sports na ito. Natutuwa kami na dumadaan sila dito bago maging professionals. At ipagpapatuloy namin iyan," ani Trinidad.

Sa pagbubukas ng 20th season ng PBL ay makikipagtulungan ang liga sa Basketball Association of the Philippines sa pamamagitan ng pagpasok ng National Youth Team sa torneo. Mukhang magiging maganda na ang working relationship ng PBL at BAP.

Ang hidwaan kasi sa pagitan ng PBL at BAP ang nagsilbing ningas sa dating deklarasyon ng GAB na professional ang ligang ito. Ngayon ay nagbati na ang dalawang asosasyon. Tinanggal pa ng PBL ang uniform players contract na pinalitan ng allowances na siyang dapat na mangyari sa isang tunay na amateur league. Lahat ng iyan ay ginawa ni Trinidad upang masiguro na magpapatuloy ang pananatili ng PBL.

Pero teka, ano naman itong lumabas na balitang makikipag-merge daw ang PBL sa Metropolitan Basketball Association? Ang balitang ito ay galing sa kampo ng MBA noong nakaraang Martes.

Malamang sa hindi ito mag-materialize, eh.

Kasi, kung ang mga tao sa PBL ang tatanungin mo, sasabihin nila na ginawa nila ang lahat upang manatiling amateur ang kanilang estado. Kapag nakipag-merge sila sa MBA, magkakagulo na naman ang estado nila dahil professional ang ligang iyon.

Makakabuti sigurong hiwalay muna ng landas ang dalawang ito pero nagtutulungan din para sa national interest.

Pareho silang yayabong sa bandang huli!

CONGRATULATIONS sa aking unica hija na si Marisol Zaldivar na nagtapos ng Grade 6 sa Aklan Learning Center kahapon. Keep up the good work! (Ulat ni AC Zaldivar)

AKLAN LEARNING CENTER

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHAIRMAN DOMENG CEPEDA

CHALLENGE CUP

CHINO TRINIDAD

COMMISSIONER TRINIDAD

KASI

PBL

TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with