^

PSN Palaro

Olongapo Volunteers nagpasiklab

-
OLONGAPO CITY – Itinala ng Olongapo Volunteers, ang bagong miyembro ng MBA na magbubukas ng kanilang 5th season ngayon Abril 6 ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa exhibition game kontra Cagayan de Oro Amigos, 84-74 noong Biyernes ng gabi sa Olongapo Convention Center.

Unang naging biktima ng Volunteers ang koponan ng Pampanga Stars sa kanilang unang tune-up games na idinaos noong nakaraang Martes sa San Juan Gym, 90-79.

Naging mainit ang panimula ng Amigos ng kanilang ibaba ang 15-7 bomba upang kunin ang trangko.

Pero hindi nagpabaya ang Volunteers at isang umuusok na 26-6 run ang kanilang iginanti sa huling limang minuto ng first canto patungong second quarter ang nagbigay sa kanila ng 31-21 kalamangan.

Ngunit hindi natigatig ang Amigos at muli silang nagbaba ng malaking atake upang makaahon mula sa 16-puntos na deficit, 29-46 sa third canto nang kanilang ibaba sa anim na puntos ang bentahe ng Olongapo, 53-49.

Isa sa nagpahirap sa Olongapo ay ang tambalang Ruel Buenaventura at Randy Lopez na siyang dumepensa sa Fil-Am na si Jeffrey Flowers dahilan upang ang Volunteers ay magtala ng 11 turnovers kumpara sa Amigos na mayroon lamang dalawa sa third canto.

"So far, so good. But I’m not yet satisfied with our performance. Hopefully before the season opens, we can still polish our game," pahayag ni Baculi.

vuukle comment

BUT I

JEFFREY FLOWERS

OLONGAPO

OLONGAPO CONVENTION CENTER

OLONGAPO VOLUNTEERS

ORO AMIGOS

PAMPANGA STARS

RANDY LOPEZ

RUEL BUENAVENTURA

SAN JUAN GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with