Nava, STRAA champ

Nakalikom ng perpektong 7 puntos si National Master Roderick Nava ng Cavite upang makopo ang gold medal at dominahin ang secondary boys division sa katatapos na 2002 Southern Tagalog Regional Athletics Association (STRAA) na ginanap sa P. Guevarra Elementary School sa Sta. Cruz, Laguna.

Nagtala naman ng identical na 5 puntos sina Reb Michael Adonis ng Lucena City at Elmer Limbo ng Quezon Province. Si Adonis ang itinaghal na runner-up matapos magwagi sa tie break points.

Sa kababaihan, sinungkit ni Maria Zayra dela Cruz ang titulo at gold medal matapos na makaipon ng 6 puntos.

Nasa pangalawang puwesto naman si Maribel Pagaduan ng Cavite City na may 5 puntos.

Show comments