7th place si Lozada sa 17th HK International Golden Mile

Tumapos ng respetadong ikapitong puwesto si John Lozada sa ginanap kamakailan na 17th Hongkong International Golden Mile sa pagpapatuloy ng kanyang build up kasama ang iba pang miyembro ng track and field aspirants para sa Asian Games sa Busan, Korea ngayong Setyembre.

Lumahok si Lozada sa 1,600-kilometrong karera na bahagi ng kanyang training program sa kanyang paboritong event na 800 run kung saan nagbulsa siya ng gold medal sa nakaraang taong Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pitong international exposure pa ang inilinya ng PATAFA para sa mga aspirante ng Asian Games na kinabibilangan nina Eduardo Buena-vista na nanguna sa Adidas King of the Road 2002 at marathoners Cristabel Martes, Roy Vence na nagpamalas rin ng kahusayan sa Hong Kong race.

Nakatakdang isabak ni PATAFA chief Go Teng Kok ang kanyang mga bata sa Japan, China, Malaysia, Chinese-Taipei at Sri Lanka na kinabibilangan nina Ernie Candelario (400m), Dante Gallenero (javelin), Fidel Gallenero (decathlon) na pawang mga SEA Games gold medalists at long jumpers Joebert Delicano at Lerma Bulauitan.

Show comments