Tinalo ng tambalang Hernani Lualhati at Sherwin Meneses ang pareha ng San Beda na sina Jason Amparo at Nemesio Gavino, 21-14 bago isinunod ang duo nina Gerald de Chavez at Zoriel Gaffud ng New Era University, 21-7 upang kumpletuhin ang kanilang three game sweep sa Group D ng mens division.
Ang iba pang makikipag-sapalaran para sa nasabing slot ay ang Letran College, PATTS, Far Eastern University, University of the East at University of Sto. Tomas sa mens division at Mapua, Letran, St. Jude College, University of the East, Philippine Christian University, Adamson, Fatima College at National University sa womens side.
Matapos ang 21-8 panalo kontra FATIMA, sisimulan ng UST ang kanilang kampanya sa Abril 5 at 6 upang pamunuan ang iba pang koponan na kakampanya sa Group E, F, G at H na ang top 16 teams mula sa bawat division ang siyang uusad sa susunod na phase na nakatakda sa susunod na araw.
Ang apat na koponan sa parehong division na may pinakamagandang record na naitala sa qualifier matches round-of-16 ang siyang uusad sa finals na nakatakda sa Mayo 11-12 sa paradise island sa Boracay kung saan may top prize na P100,000 ang nakataya.
Sinusuportahan ng Nestea Iced Tea, magkakaroon din ang nasabing event ng Luzon elimination mula Abril 13-14 at ng qualifier sa Visayas-Mindanao teams mula sa Abril 17-18 bago tumungo sa Boracay National Finals.