Inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines ang tournament ay lalahukan ng 150 partisipante mula sa Metro Manila at kalapit probinsiya.
Sina GMs Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villamayor ay seeded sa finals kasama ng mga pangunahing junior players na sina IM Mark Paragua, NM John Paul Gomez at NM Oliver Barbosa sa torneong ito na magsisilbing pagpipilian ng mga miyembro ng National team na lalahok sa World Chess Olympiad sa Slovenia sa Oktubre.
Ang tournament format ay 9-round Swiss System na may time control na dalawang oras bawat player. Ang top 30 players pagkatapos ng elimination round ay aabante sa semifinal round sa Abril 15 kung saan makakasama nila ang mga titled players (IM, FIDE masters, NM) aty kampeon sa kani-kanilang lungsod, munisipalidad at probinsiya. May nakalaan ding P150,000 cash prize para sa kampeon sa mens division at P75,000 ang ibibigay naman sa babaeng kampeon.