Debut ng PUP diniskaril ng DLSU
March 17, 2002 | 12:00am
Sumandig ang La Salle sa dalawang eksplosibong innings kung saan kumana ang infielder na si Jon de Ubayo ng dalawang runs sa third inning upang idiskaril ang debut ng Polytechnic University of the Philippines, 9-6 kahapon sa pagpapatuloy ng first Metro Manila Baseball Championship sa Rizal Ballpark.
Nakalubog mula sa 2-5 patungong fourth inning, naitabla ng Archers ang iskor matapos na kumana ng tatlong runs mula sa dalawang errors at single bago naagaw ng dating UAAP titlists ang pangu-nguna sa apat na runs sa sumunod na canto.
Ang panalo ay sapat na para makatabla ang La Salle sa Group C standings sa 1-1- kartada na tumabon sa kanilang masaklap na 4-8 pagkatalo sa mga kamay ng bagitong ILLAM-Mariners All- Stars noong nakaraang Linggo.
Nagsilbing bayani ng La Salle ang tambalan ng relief pitcher na sina Joseph Orillana at Arvis Curunay na kapwa tumirada ng malalaking runs sa tatlong inning kung saan nagbigay ang starter na si Raypon Santos ng limang hits at apat na runs.
Unang umalagwa ang Star Maroons nang kanilang kunin ang 4-0 kalamangan, subalit nagawang makabangon ng Archers nang pumu-kol ng dalawang runs sa third innings mula sa two run double ni de Ubayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am