RP-Happe nanalo

MALOLOS, Bulacan -- Inilapit ng RP Team-Hapee ang kanilang katayuan tungo sa playoffs para sa quarterfinals ng PBA-Samsung Governors Cup makaraang iposte ang 82-69 panalo kontra sa Shell Velocity kagabi sa out-of-town game na ginanap sa Centro Escolar Centro-dome sa Malolos, Bulacan.

Umalagwa ang National sa ikalawang yugto ng laro upang itala ang kanilang ikaapat na panalo matapos ang 6-asignatura, habang nabaon naman ang Turbo Char-gers sa ilalim ng standings matapos na matikman ang kanilang ikalimang talo sa anim na pakikipag-laban.

Umiskor sina Rudy Hatfield at Andy Seigle ng tigwalong puntos sa second quarter at nagpamalas naman si Johnny Abarrientos ng mahusay na performance upang trangkuhan ang Nationals.

Humataw si Jeffrey Cariaso ng 20 puntos para sa Nationals.

Show comments