^

PSN Palaro

Balik-aksiyon si Nepomuceno

-
Magbabalik sa aksiyon ang four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno sa susunod na buwan sa kanyang paglahok sa 2002 World Tenpin Masters sa London.

Inihayag ng Matchroom Sports, promoter ng nasabing tournament na isa si Nepomuceno sa 16 manlalaro mula sa 13 bansa na umentra sa Masters. Napagwagian ni Nepomuceno ang nasabing titulo noong 1999 kung saan siya ay pinag-kalooban ng Philippine Legion of Honor medal. Tumapos rin siya ng 3rd place sa tournament na ito noong nakaraang taon.

Bawat taon, tumataas ang premyo ng World Tenpin Masters at ngayon ay umabot na sa $60,000 na ang mananalo ay mag-uuwi ng tseke na nagkakahalaga ng $30,000.

Ang format ng tournament ay straight knockout sa bawat laban sa dalawang laro at ang kabuuang pinfall ang siyang magdedetermina ng mananalo.

vuukle comment

BAWAT

INIHAYAG

MAGBABALIK

MATCHROOM SPORTS

NAPAGWAGIAN

NEPOMUCENO

PAENG NEPOMUCENO

PHILIPPINE LEGION OF HONOR

WORLD CUP

WORLD TENPIN MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with