^

PSN Palaro

6 boksingerong Pinoy pa-Azerbaijan

-
Anim na boksingero sa pamumuno ng mga may edad na ngunit maasahan pa ring sina Romeo Brin at Anthony Igusquiza ang nakatakdang umalis ngayon upang sumabak sa mahigpitan at prestihiyosong Prof. Anwar Chowdry Cup sa Baku, Azerbaijan bilang preparasyon ng Team Philippines sa nalalapit na Asian Games ngayong Setyembre sa Busan, Korea.

At dahil ang nakataya sa tournament na ito ay ang slot para sa National delegation, inaasahang ibubuhos lahat ng mga boksingero ang kani-kanilang lakas upang mapagtagumpayan ang hamong ibibigay ng mga mahuhusay na fighters mula sa Asia at Europe. Sisimulan ang nasabing boxing festival na ito sa Marso 5-10.

Kakampanya si Brin at Igusquiza sa 63.5 kgs., at 60-kgs., ayon sa pagkakasunod, habang lalahok naman sina HarryTanamor sa 48kgs., Violito Payla sa 51-kgs., Vincent Palicte sa 54-kgs., at Roel Laguna sa 57-kgs.

Pangungunahan ni Lopez ang delegasyon kasa-ma sina coach Gregorio Caliwan, assistant coach Nolito Velasco at referee/judge Rogelio Fortaleza na may suporta ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights, Adidas at Revicon.

vuukle comment

ANTHONY IGUSQUIZA

ANWAR CHOWDRY CUP

ASIAN GAMES

GREGORIO CALIWAN

NOLITO VELASCO

PACIFIC HEIGHTS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROEL LAGUNA

ROGELIO FORTALEZA

ROMEO BRIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with