^

PSN Palaro

Manila Youth Games sa Abril 7-14

-
Mula ng magsimula ang patalaan noong nakaraang linggo, humakot na ng malaking bilang ng mga kalahok ang nalalapit na First Manila Youth Games (MYG) mula sa iba’t ibang paaralan, private sports clubs at barangays mula sa buong Maynila.

Nakatakdang idaos ang MYG sa darating na Abril 7-14 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila na sa ngayon ay mayroon ng 200 koponan na kinabibilangan ng mahigit sa 2,000 kalahok.

Bunga nito, nagpahayag ng kasiyahan si Ali Atienza, anak ni Mayor Lito Atienza at Chairman ng organizing Manila Sports Council (MASCO) hinggil sa pagdagsa ng mga kabataang atleta para lumahok sa isang linggong event.

Ang MYG ay isang comprehensive mass-bassed development program ng siyudad para sa out-of-school youth na may edad 12 pataas. Ang mga kalahok ay kailangang residente ng Manila o miyembro ng sports club na nakarehistro sa siyudad o kaya’y dito na naninirahan.

Nagbigay ang Philippine Sports Commission (PSC) ng buong suporta sa MYG nang aprubahan nito ang paunang P500,000 pondo sa City Government ng Manila para sa pagdaraos ng nasabing event. Nangako rin si PSC chairman Eric Buhain sa MASCO na kanyang ipagagamit ang mga libreng pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex para sa isang linggong event.

Ang outstanding performers ng MYG ay gagarantiyahan ng scholarships sa itatayong Manila Sports Academy (MSA) sa Manila Boys’ Town.

Ang mga sports na paglalabanan sa MYG ay ang athletics, badminton, chess, dance sports, football, gymnastics, lawn tennis, girls little league softball, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball.

ALI ATIENZA

CITY GOVERNMENT

ERIC BUHAIN

FIRST MANILA YOUTH GAMES

MANILA

MANILA BOYS

MANILA SPORTS ACADEMY

MANILA SPORTS COUNCIL

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with