^

PSN Palaro

Red Bull sinuwag ng Alaska; Shell yuko sa Ginebra

-
Epektibong depensa ang naging mabisang sandata ng Alaska Aces upang dungisan ang malinis na katayuan ng Batang Red Bull sa pamamagitan ng 81-58 panalo kagabi sa pag-usad ng eliminations ng PBA Samsung Governors Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.

Ngunit ang pinakamagandang depensa ay ginawa ni Don Carlos Allado na siyang dahilan upang malimitahan ang eksplosibong import ng Red Bull na si Joseph Bunn na naging daan para ipalasap ng Aces sa Thunder ang kanilang kauna-unahang pagkatalo matapos ang tatlong sunod na tagumpay at iangat ang kanilang kartada sa 3-1 na siyang dahilan para maiwan sa solong liderato ang walang larong Purefoods TJ Hotdogs na may 3-0 kartada.

Kumawala ang Alaska sa ikalawang quarter upang tapusin ang first half sa 36-25 kalamangan na kanilang pinalobo sa 26 puntos sa pagsasara ng ikatlong quarter, 63-37 na di na natibag pa ng Red Bull.

Pinangunahan ni import Ron Riley ang Aces sa kanyang hinakot na 28 puntos, 10 sa ikatlong quarter bukod pa sa 12 rebounds at 6 assists.

Samantala, magku-krus naman ang landas ng dalawang Candidates Pool na nagta-tryout para sa Pambansang koponan na ipapadala sa Asian Games sa Busan, South Korea nitong darating na September.

Tampok na laro ang laban ng RP-Hapee team na nag-iingat ng mas magandang record na 2-1 panalo-talo at RP Team-Selecta na nagtataglay ng 1-2 kartada na sisimulan dakong alas-5:45 ng hapon.

Ikaapat na sunod na panalo naman ang asam ng Purefoods TJ Hotdogs sa kanilang pakikipagharap sa Coca-Cola Tigers na magpaparada ng bagong import na si Ronnie Hale na pumalit kay Fred Williams sa pambungad na laban na sisimulan naman sa ganap na alas-3:45 ng hapon.

Nagpalit din ng import ang Sta. Lucia at ipaparada nila si Mark Davis bilang kapalit ni Lelan McDougal.

Sa wakas, nakapasok din sa win column ang Barangay Ginebra maka-raang payukurin ang Shell Turbo Chargers, 80-72 sa ikalawang kapana-panabik na double-header.

Hindi pinaglaro ang bagong import ng Shell na si Nantambu Willingham, kapalit ni Derrick Grimm, dahil wala pa itong sapat na permit mula sa BI. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALASKA ACES

ASIAN GAMES

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

CANDIDATES POOL

CARMELA OCHOA

COCA-COLA TIGERS

CUNETA ASTRODOME

DERRICK GRIMM

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with