Hiso itinalagang international coordinator ng MASCO
March 2, 2002 | 12:00am
Dahil sa hangarin niyang higit pang mapaunlad ang sports development program, itinalaga ni Manila Sports Council chairman Ali Atienza si dating national cyclist Rolando Hiso bilang MASCOs international coordinator sa Amerika.
Inihayag ni Ali, anak ni Manila Mayor Lito Atienza ang nasabing appointment sa 55-anyos na si Hiso na kasalukuyang nakabase sa Chicago, na malaki ang maitutulong nito sa kanyang maraming proyekto sa layuning muling maibalik ang siyudad sa dati niyang porma sa pag-develop ng mga kabataan at sariwang talento sa ilalim ng programa ng kanyang ama na "Buhayin ang Maynila."
"Rolly is a respected member of the Filipino community in the US East Coast and his stature in the area can definitely help us in our program, especially in terms of soliciting support from our kababayan in America," anang nakababatang Atienza.
Ang pagtatalaga kay Hiso ay ginawa kasabay ng board meeting ng MASCO kamakalawa kaugnay ng nalalapit na First Manila Youth Games na iho-host ng council sa susunod na buwan.
Sa kabila nito, nangako naman si Hiso na kasalukuyang nagbabakasyon sa bansa sa paglahok ng Maynila Golden Girls sa World Series para sa 16-18 anyos sa Kalamazoo, Michigan ngayong Agosto.
Ang Golden Girls ay babanderahan ng mga manlalaro mula sa Adamson, Santo Tomas at University of the Philippines sa UAAP softball war na tumapos ng ikatlong puwesto sa kanilang unang pagsali sa World Series noong nakaraang taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am