Guardo-Pampanga nakalusot sa RP Youth
February 28, 2002 | 12:00am
CEBU -- Naligtasan ng Guardo-Pampanga Stars ang mahigpit na hamong ibinigay ng RP Youth Team upang iposte ang 88-81 panalo at ipuwersa ang three-way logjam sa liderato sa pagpapatuloy ng Cebu Basketball League Presidents Cup sa Cebu Coliseum.
Bumangon ang Guardo Stars sa kanilang masamang panimula nang gumana ang fastbreak play ng RP youngsters at itala ang limang puntos na bentahe sa kaagahan ng laro bago kunin ang unang yugto ng labanan sa 27-17 kalamangan.
Hinawakan ng Nationals ang tempo hanggang sa 73-70 kalamangan pagpasok ng final canto.
Ngunit hindi nagpabaya ang Guardo Stars at sinikap nilang bumangon nang simulan nina Billy Dansil at Dave Bautista ang mainit na atake ng Guardo Stars upang agawin ang trangko patungo sa kanilang panalo.
Ito ang ikaapat na dikit na talo ng RP Youth Team na lumahok sa tournament na ito bilang isa sa kanilang preparasyon para sa nalalapit na Southeast Asian championship sa Thailand sa Hunyo, habang nakatabla naman ang Guardo-Pampanga sa liderato bunga ng 3-1 win-loss slate kasosyo ang M. Lhuillier at Spring Cooking Oil na kapwa dumanas ng magkaibang kapalaran sa kani-kanilang laban.
Tinalo ng M. Lhuillier ang Osaka, 93-81, habang natikman naman ng Spring ang kanilang unang kabiguan kontra sa ML Kwarta, 82-97.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended