Haping-Happe ang RP
February 27, 2002 | 12:00am
Umiwas sa isa namang kahiya-hiyang pagkatalo ang RP Hapee-Team nang bumangon ito sa 28-point deficit sa pamamagitan ng eksplo-sibong fourth quarter tungo sa kanilang 87-77 panalo sa pag-usad ng eliminations ng Samsung-PBA Governors Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.
Nagtulong-tulong sina Jeffrey Cariaso, Rudy Hatfield, Mick Pennisi at Davonn Harp sa 35-puntos na produksiyon sa ikaapat na quarter kung saan kanilang nalimitahan ang Coca-Cola sa 7-puntos lamang upang makabawi sa kanilang nakakahiyang 62-95 pagkatalo kontra sa Talk n Text sa Ynares Center noong Biyernes.
Bumawi ang RP-Team sa kanilang kahinaan sa ikalawang quarter kung saan umarangkada ang Tigers na nagposte ng 59--31 kalama-ngan sa bungad ng third canto mula sa basket ni William Antonio upang iposte ang kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro.
Buhat sa 72-54 kalamangan ng Tigers sa kaagahan ng ikaapat na quarter, nagpakawala ang Hapee ng 31-3 produksiyon upang iposte ang 85-75 kalamangan, 14 segundo na lamang ang oras sa laro matapos ang free throws at basket ni Cariaso.
Napako sa 73 ang iskor ng Tigers na itinabla ng RP team matapos ang split shot ni Cariaso at tuluyan nang naagaw ang kalamangan mula sa basket ni Davonn Harp, 2:44 ang oras.
"Ayaw ko na kasing mangyari sa amin yung nangyari sa amin sa Talk n Text. Its not just winning the game. Kahit na matalo ka basta you know you gave your 100%. At least maganda ang ipinakita ng mga players ngayon, we can come back from a 28-point deficit. Its a good attitude na sana ay ma-dala namin sa Asian Games," pahayag ni National coach Jong Uichico.
Humataw sa ikalawang quarter ang Coca-Cola sa pangunguna ni import Fred Williams upang iposte ang kanilang 16-puntos na kala-mangan sa pagtatapos ng first half.
Umiskor si Williams ng 16 puntos sa kabuuang 36 puntos na produksiyon ng Tigers sa ikalawang quarter kabilang ang 25-0 run katulong si Rosell Ellis matapos mabokya ang Hapee ng mahigit sa anim na minuto.
Nalimitahan ang RP-squad sa 2-of-12 field goals shooting sa ikala-wang quarter kung saan 6 puntos lamang ang kanilang naikamadang produksiyon, habang gumawa naman ang Coca-Cola ng 14-of-20 upang makabangon sa 6 puntos na pagkakabaon sa unang canto. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended