St.Benilde at DLSU nagsosyo sa karangalan

Pinagsaluhan ng College of St. Benilde at De La Salle University ang karangalan sa 1st Milo Interschool Team Challenge bowling tournament na ginanap noong Sabado sa Pearl Plaza Bowling Center sa Parañaque.

Sa pamumuno ng mga National Youth standouts na sina Gino Mansilungan at Frederick Ong, nakabawi ang St. Benilde buhat sa ikatlong puwesto sa stepladder finals upang makopo ang titulo sa boys division. Sa kabilang dako, ang La Salle ay nanguna mula sa umpisa hanggang sa dulo upang makamit ang kampeonato sa Girls Division.

Sa pagtatapos ng elimination round, ang St. Benilde ay pumangatlo na may kabuuang 5, 389 pinfalls sa likod ng La Salle na may 5,778 at Xavier School A na may 5,417. Sa stepllader finals, tinalo ng St. Benilde ang Xavier, 173-165 upang makaharap ang DLSU sa finals.

Show comments