2 titulo inangkin ng Colegio de San Agustin
February 25, 2002 | 12:00am
Isinukbit ng Colegio de San Agustin ang boys and girls grade school titles kahapon sa pagtatapos ng 1st Philta Team Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.
Pinayukod ng CSA ang Ateneo de Manila, 3-0 sa boys division, habang binokya naman ng CSA ang St. Benedict College, 3-0 sa girls bracket.
Kumana si Kyle Dandan ng 6-1, 6-3 panalo kontra Christian Canlas sa unang singles, bago nakipagpareha kay Bryan Dayleg at gapiin ang tambalang Daniel Luis Macalino at Canlas, 6-0, 6-2 at kinumpleto naman ni Paul James Cang ang pananalasa ng CSA nang silatin si Mark Balce, 7-5, 7-5.
Tinalo ni Jessica Agra si Isobelle Culaba, 6-0, 6-1, bago nakipagtambal naman kay Sarah Jane Lim at nanalo sa doubles match sa pamamagitan ng default kontra Lynette Soldivillo at Culaba. Hindi rin pinaligtas ni Mia Estrella si Jennifer Matias ng itala niya ang 6-2, 6-3 panalo.
Nakuntento naman ang DLS-Zobel sa ikalawang puwesto.
Sa high school category, nakopo ng St. Benedict College ang girls crown makaraang gapiin ang DLS-Zobel, 2-1, habang ang high school title ay napasakamay ng La Salle-Greenhills.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest