Pinagbidahan nina import Jermaine Walker, Yancy de Ocampo at Paul Alvarez ang mainit na 18-6 run na sinimulan ni Moore upang iposte ang 70-62 kalamangan, 11.3 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Tumapos si Moore na pumalit sa di impresibong si Rhoderick Rhodes ng 15-puntos, 11 nito ay sa ikalawang quarter sa likod ng 17-puntos ni Walker at 14-puntos ni Alvarez para sa Express na nakabangon mula sa kanilang dalawang sunod na kabiguan.
Bagamat tumapos lamang ng 6-puntos si De Ocampo, naging susi sa panalo ng FedEx ang kanyang triple bago tumuntong ang laro sa huling dalawang minuto na nagbigay sa Express ng 64-62 kalamangan matapos hawakan ng Turbo Chargers ang trangko sa 62-61 mula sa triple ni import Askia Jones.
Ang basket ni Pumaren at ang back-to-back basket ni Alvarez ang tuluyang nagselyo ng tagumpay ng FedEx at naging dahilan ng ikalawang sunod na pagkatalo ng Shell sa tatlong pakikipaglaban.
Nagtapos si Jones na may 23-puntos kasunod ni Derrick Grimm na may 12-puntos para sa Shell na nauwi sa wala bunga ng kanilang pagkatalo.
Samantala, ikatlong sunod na panalo ang puntirya ng Purefoods TJ Hotdogs, Batang Red Bull at Alaska Aces sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PhilSports Arena.
Maghihiwalay ang landas ng Purefoods at Alaska sa pagtatapos ng kanilang engkuwentro sa ganap na alas-4:00 ng hapon na agad namang susundan ng duelo ng Red Bull kontra sa RP Team-Selecta sa ikalawang laro sa dakong alas-6:00 ng gabi bilang main game.