Pinoy boxer nakipag-draw sa South African

Isang magandang laban ang ipinamalas ni Philippine superflyweight No. 9 Roy Doliguez noong Pebrero 20 sa Carnival City sa South Africa.

Nakatunggali ni Doliguez si South African Mzukisi Sikali na kasalukuyang WBA No. 2 flyweight contender sa 10-round non-title fight kung saan itinigil ng referee sa ika-3 round dahil sa accidental head butt matapos na umagos ang dugo sa mukha ng African pug dahil sa hiwa. Ang naturang laban ay idineklarang technical draw.

Ang laban ni Doliguez ay nagpaganda sa kanyang record na may 9 panalo, 2-talo at tatlong draw sa 13-pakikipaglaban kung saan ang apat na panalo niya ay pawang mga knockouts.

Ito ang ikalawang pakikipagsapalaran ni Doliguez sa South Africa, ang una niyang laban ay noong Agosto 22 kontra Masibulele Makepula, dating WBU International champion at kasalukuyang IBO No. 8 flyweight contender. Ang kinalabasan ng resulta ng naturang laban ay split draw.

Show comments