Bumawi ang Detergent Kings mula sa kanilang unang kabiguan sa Game One upang itabla ang serye sa 1-1.
Humatak si Marlon Legaspi ng 18-puntos, habang nagdagdag naman si Lou Gatumbato ng 17-puntos para banderahan ang Jewelers sa kanilang panalo.
"We had a long talk about our lapses, especially on the execution of our plays. This time, everything happened according to plan," pahayag ni Blu head coach Leo Isaac.
"And Game Three should be nothing different. I told them to even double their efforts since Montana will really try to get back I expect the rubber match to be tough throughout," dagdag pa ni Isaac.
Nauna rito, nakopo ng Granny Goose Tortillos ang ikatlong puwesto nang kanilang iposte ang 76-67 panalo kontra sa Hapee-Cebu.