Blu tunaw sa Montana
February 20, 2002 | 12:00am
CEBU CITY -- Nagpakakatag ang Montana Pawnshop sa huling bahagi ng sagupaan upang pabagsakin ang Blu Detergent, 75-68 kahapon at kunin ang Game One ng kanilang best-of-three championship series sa Cebu Basketball Federation-Philippine Basketball League Partnership Cup sa Cebu Coliseum dito.
Ginawang sandigan ng Detergent Kings ang 23-10 bentahe sa unang bahagi pa lamang ng labanan na hindi na nila binitiwan pa.
Humakot si Mark Macapagal ng 15 puntos kabilang ang tatlong triples, habang nag-ambag sina Jenkins Mesina at Gary David ng 11 at 10-puntos, ayon sa pagkakasunod.
Dalawang ulit na tinangkang mag-rally ng Detergent Kings, at naibaba nila ang abante sa 54-40 sa pamamagitan ng 12-4 bomba may 2:56 ang nalalabi sa laro.
Sa iba pang laro, tinalo ng Granny Goose ang Hapee-Cebu, 85-82 sa overtime para sa 1-0 kalamangan sa kanilang sariling serye para sa third place.
Samantala, kinuha ng Detergent Kings ang serbisyo ni Christopher Jule Daruca, 2002 season ng PBL.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended