^

PSN Palaro

Segarra nasilat ni Hernaez sa Metro Chess Club Non-master tourney

-
Tinalo ng seventh seed Truman Hernaez ang ranked No. 2 Randy Segarra sa seventh at final round upang dominahin ang February edition ng Metropolitan Chess Club Non-master chess tournament na ginanap noong nakaraang linggo sa Greenhills Shopping Center.

Naglaro na hawak ang itim na piyesa, nanaig ang 25-anyos na si Hernaez ng Bacoor, Cavite sa knight at pawn endgame at napuwersa si Segarra na mag-resign makaraan ang 45-sulungan ng Caro-Kann upang palakasin ang kanyang final na tally sa 6.5 puntos matapos ang ikapitong round ng paglalaro sa isang araw na event na ito na nilahukan ng 126 players.

Sa katunayan, nakatabla si Hernaez sa una hanggang ikalawang puwesto kay ranked No. 23 Jessie Sinangote na nanaig naman kontra sa sixth seed at pipi’t-binging si Liolen Tubianosa sa 32 moves ng King’s Indian defense. Mas mataas ang median bucholz tie-break points ni Hernaez para makuha ang titulo.

BACOOR

CARO-KANN

CAVITE

GREENHILLS SHOPPING CENTER

HERNAEZ

JESSIE SINANGOTE

LIOLEN TUBIANOSA

METROPOLITAN CHESS CLUB NON

RANDY SEGARRA

TRUMAN HERNAEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with