^

PSN Palaro

DOLE tumangging magpaliwanag sa isyu ng working permit ni Bayno

-
Tumangging magbigay ng paliwanag ang Department of Labor and Employment kung papaano nakakuha ng working permit ang kontrobersiyal na American coach na si Billy Bayno.

Dahil dito, magiging mahirap ang laban ng Basketball Coaches Association of the Philippines na pinangungunahan ni Chito Narvasa laban sa Talk ‘N Text na siyang nagpaupo kay Bayno bilang coach ng Phone Pals.

"The DOLE doesn’t want to explain the basis why they gave Bayno his working permit," paliwanag ni Narvasa na ipinaglalaban ang kanilang pinanghahawakang DOLE ruling na lalo pang pinalakas ng Supreme Court Ruling na nagbabawal sa mga PBA teams na kumuha ng dayuhang coach hangga’t may mga Filipino na maaaring kunin.

Bunga nito, sinabi ni Narvasa na posibleng hindi alam ng DOLE ang Supreme Court ruling na nakuha ng BCAP noong 1991 na kanilang ginamit para mareboka ang working permit ni Ron Jacobs na nag-coach sa San Miguel.

Ayon kay Narvasa, sisimulan na ng BCAP ang pagkalap ng mga ebidensiya para sa kanilang planong pagdadala ng kaso sa korte ngunit idinagdag ng BCAP president na gagawin nila ito sa tahimik na paraan.

Sa likod ng kasunduan ng Talk ‘N Text at BCAP sa kanilang pagpupulong noong Biyernes na magsisilbing consultant na lamang si Bayno ay tumayo pa rin bilang coach ang Amerikano ng Phone Pals sa kanilang unang laro noong Sabado kung saan kanilang nalasap ang 89-92 pagkatalo kontra sa Purefoods.

Ito’y matapos makakuha si Bayno ng working permit kaya’t binigyan din ito ng Games and Amusement Board ng kanyang lisensiya para makapag-coach.

"We will work as quitely as possible so as not to preempt any situation," pahayag ni Narvasa. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BAYNO

BILLY BAYNO

CARMELA OCHOA

CHITO NARVASA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

N TEXT

NARVASA

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with