Sa paglarga pa lamang ng karera na nagsimula at nagtapos sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, ay agad ng kinuha ng 21-anyos na si Buenavista at 2001 SEA Games double gold medalist sa 3000m at 5000m events ang pangunguna na hindi na niya binitiwan pa.
"Kasama sa training ko at maganda naman ang naging time ko, expected ko naman talaga ako ang mananalo dito," pahayag ni Buenavista na nagbulsa ng P10,000 para sa kanyang ikatlong sunod na korona.
Pumangalawa ang lahok ng Philippine Navy na si Rene Herrera, winner ng 42K Milo Marathon Metro Manila elimination run noong nakaraang taon na nagsumite ng oras na 31:54 na sinundan ng isa pang miyembro ng Air Force na si Reynaldo delos Reyes na nagtala ng 32:10.
Sa womens side, nanguna si Flordeliza Cachero nang magtala ng 37:01 sumegunda si Lisa Yambao na nagtala ng 39:24 habang pumangatlo si Juvy Madredia na may 41:31.