^

PSN Palaro

Bayno hiniya ng Purefoods

-
Hiniya ng Purefoods TJ Hotdogs ang American coach na si Billy Bayno na tumayong coach ng Talk N Text Phone Pals sa likod ng kontrobersiyang hinaharap laban sa Basketball Coaches Association of the Philippines.

Bumangon ang TJ Hotdogs mula sa 16-puntos na pagkakahuli at hindi pinaporma ng Purefoods ang dalawang imports ng Phone Pals na sina Jerald Honneycutt at Richard Frahm sa huling maiinit na segundo ng labanan upang iposte ang 92-89 panalo sa pagpapatuloy ng PBA Samsung Governors Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Dahil dito, gagawa na ng legal na hakbang ang BCAP na pinamumunuan ni Chito Narvasa lalo pa’t hindi tumupad sa usapan ang Talk N Text na si Frankie Lim ang tatayong coach at consultant lamang si Bayno.

Kahapon ng alas-2 ng hapon, ipinaalam ng kampo ng Phone Pals kay Narvasa na handa silang lumaban sa korte kaya’t si Bayno ang tumatawag ng mga plays para sa Talk N Text na hindi naman umubra sa mga kamay ni coach Ryan Gregorio na nasa likod ng bench para umasiste sa kanyang koponan.

"They drew the first blood," ani Narvasa sa isang telephone interview. "We will work on this quitely, we will find out kung sino ang kumuha ng DOLE (Department of Labor and Employment) permit, kung sino ang nagbigay.

Matapos maiposte ng TJ Hotdogs ang 9-puntos na kalamangan bunga ng 16-2 turnover violation ni Honneycutt na naka-foul kay Alvin Patrimonio na umiskor ng dalawang free throws para sa 92-86 kalamangan, 7.4 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Samantala, magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa paghaharap ng FedEx at Red Bull na susundan ng sagupaan sa pagitan ng Shell at Coca-Cola sa Araneta Coliseum. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALVIN PATRIMONIO

ARANETA COLISEUM

BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BAYNO

BILLY BAYNO

CARMELA OCHOA

CHITO NARVASA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with