^

PSN Palaro

P120M budget para sa NSAs hinati-hati

-
Pagbabasehan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain ang performance ng bansa sa nakaraang Southeast Asian Games noong nakaraang taon at ang breakdown ng gastos ng iba’t ibang National Sports Association (NSAs) mula Enero hanggang September 2001 para hatiin sa 38 NSAs ang P120 milyong inilaan ng ahensiya para sa training at sports development program.

Dahil dito, malaki ang makukuha ng gymnastics, wushu, fencing, shooting at ang athletics na nanalo ng 9-golds, 10-silvers at 4-bronzes sa nakaraang SEAG.

Pinakamalaki ang makukuha ng gymnastics na 9.6 milyon bagamat nag-uwi lamang ito ng dalawang silver at apat na bronzes, kasunod ang wushu na may P9.4 milyon sa kanilang 4-golds, 2-silvers at 4-bronzes na performance.

Ang fencing at shooting ay parehong makakakuha ng P9.2 milyon na may tig-dalawang ginto, 9-silvers at 6 bronzes lamang, habang ang athletics na siyang pinakaproduktibo sa nakaraang Asiad ay may P8.8 milyon.

Ang cycling na nag-uwi ng tatlong silver at apat na bronzes ay binigyan ng P7.4 milyon habang P6 milyon naman ang makukuha ng boxing na may dalawang silver at 5-bronzes mula sa SEA Games.

Ang billiards na may 3-6-1 performance ay may P4.8 milyon, P4.6 milyon sa taekwondo matapos ang 3-5-5 showing, P4.8 para sa 1-3-5 performance ng judo at P3.7 sa karatedo na may 2-1-5 performance.

Ang swimming ay may P7.2 milyon, P6.8 sa football, P6 milyon sa rowing, P5.1 sa pencak silat, P4.1 sa lawn tennis at P3.4 sa golf.

ASIAD

BRONZES

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DAHIL

ENERO

MILYON

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PAGBABASEHAN

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with