Osaka Iridology papalaot na rin sa MBA
February 10, 2002 | 12:00am
Plano ng Osaka Iridology na pasukin na rin ang Metropolitan Basketball Association ngayong season.
Kamakailan, dalawang ulit ng nakipagpulong si Jonathan Guardo, CEO at president ng Osaka Iridology sa matataas na opisyales ng liga upang malaman ang mga paraan upang ang kanilang kumpanya ay makaentra na sa liga kung saan target nito ang walong koponan na kalahok para sa unang kumperensiya na nakatakdang magsimula sa Abril 6.
Sinabi ni Mon Tuason, MBA director for marketing and business development, na ang Osaka Iridology ay maaaring mapayagan bilang mga bagong miyembro gaya ng Olongapo o ng franchise applicants na Lucena at Taguig,
"We like the MBAs concept of combining corporate sponsorship with regionalism," pahayag ni Guardo na siya ring pangulo ng Cebu Basketball League at chairman ng Cebu Sports Commission na siyang nangunguna sa kampanya ng nasabing probinsiya para sa kanilang bidding na mag-host ng 2005 Southeast Asian Games.
Matapos ang pakikipag-usap ni Guardo kay Tuason noong Martes ng gabi, nakipagkita naman ito kina MBA commissioner Chito Loyzaga, Multi-Regional Board Inc., chairman Santi Araneta at kay Tuason noong Miyerkules ng gabi kung saan kanilang itinakda ang mga parameters para sa posibleng pag-entra ng Osaka sa liga.
Ang mga koponang siguradong sasabak sa aksiyon sa unang kumperensiya ay pangungunahan ng defending National champion LBC Batangas, ang nagbabalik na Pampanga at Pangasinan at Olongapo para sa Northern Conference, habang naka-grupo naman sa Southern Conference ang Negros, Cebuana Lhuillier, TPG Davao at Cagayan de Oro.
Kung sakali mang payagan ang Osaka na makalahok, kanilang bibitbitin ang ilan nilang mga manlalaro ng Cebu-based Osaka team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest