1st Manila Youth Games susuportahan ng PSC
February 9, 2002 | 12:00am
Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpopondo at pagbibigay ng buong suporta para sa 1st Manila Youth Games (MYG) na nakatakdang ganapin sa Abril 7-14 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Ito ang ipinaalam ni PSC Chairman Eric Buhain kay Manila Sports Council (MASCO) Chief Ali Atienza kahapon sa kanilang meeting na ayon sa kanya, inaprobahan ng PSC Board ang paunang P500,000 financial assistance para sa City Government ng Manila sa pagdaraos ng naturang MYG.
"The PSC remains committed to all sports program that encourage full participation of the boards of our society, especially the grassroots," ani Chairman Buhain.
Idinagdag pa niya na sa pamamagitan ng programang gaya nito, mapupuwersa ang Manila na ibahagi ang kabataang Filipino sa mga local sports base.
"Local sports should widen its opportunity to accommodate more young recruits from the grassroots. We believe that this will help correct the present ills plaguing the countrys sports, particular the lack of a broad pool of fresh talents."
Ipinangako rin ni Buhain na kanyang ipagagamit ang mga libreng pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex para sa isang linggong event.
Samantala, kasalukuyan ng pinag-aaralan ni Buhain ang obligasyon ng nasabing ahensiya sa mga bayarin mula ng siya ay manungkulan dito.
"It is my major concern now that we settle obligations which are valid. Our goal is not only to work on a budget, but save some amount which we can allocate to priority expenses," sabi pa ni Buhain.
Pero siniguro ni Buhain na hindi niya babawasan ang mga suporta para sa training ng mga atleta sa nalalapit na Busan Asian Games sa September.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest