Kinumpleto ni Chester Tolomia ang tatlong free-throws mula sa foul ni Jojo Manalo upang agawin ang kalamangan sa 60-58 mula sa 57-58 pagkakahuli.
Higit pang lumayo ang Shark nang umiskor si Rysal Castro ng basket at dalawang free-throws mula kay Warren Ybañez mula sa foul ni Manalo para sa panigurong 64-58 kalamangan, 28 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Bagamat sinikap pa ng Welcoat na pigilan ang pagdiriwang ng Power Boosters, minalas naman sina Manalo na nagmintis sa kanyang triple at sinundan pa ng error ni Renren Ritualo.
"Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Itaas. Siguro ang key dito is talagang ipinakita ng mga players na nandon ang kanilang determinasyon at puso para manalo," pahayag ni coach Leo Austria.
Pinangunahan ni Castro ang Shark sa kanyang tinapos na 20-puntos.