No. 5 win nahugot ng Letran vs San Sebastian
February 5, 2002 | 12:00am
Ginapi ng defending champion Letran ang San Sebastian College, 2-1 kahapon upang maseguro ang paghawak sa liderato ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) mens tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.
Inirolyo ng Knights ang kanilang ikalimang sunod na panalo mula kina Chemiel Mantua at Von Ruelan nang manaig kontra Niño Salvador at Arvin Ruel sa doubles, 7-6, 6-2 at Menandro Econgs na namayani naman sa kalabang si Ruel, 6-2, 6-3 sa ikalawang singles match.
Tanging si Salvador lamang ang nanalo sa panig ng San Sebastian na bumagsak sa ikalawang puwesto matapos na malasap ang unang kabiguan sa limang laro.
Sa iba pang resulta ay pinabagsak ng Mapua ang College of St. Benilde, 2-1, binokya ng San Beda College ang University of Perpetual Help-Rizal.
At sa juniors division, hiniya ng Letran ang San Sebastian, 3-0 upang manatiling walang talo sa 5-laro matapos igupo ni Miguel Narvaez si Jan Grape, 6-1, 6-1 na sinundan ng panalo nina Boris Chavez at Michael Basco kina Jetroy Yadao at Grape, 6-1, 6-2 at talunin ni Basco si Yadao, 8-2.
Pinayukod naman ng CSB Blazers ang Mapua, 3-0, habang blinangka naman ng Red Cubs ang Altalettes, 3-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest