^

PSN Palaro

Adducul papasuwelduhin ng FedEx

-
Handang tumulong si Bert Lina, ang chairman ng Airfreight 2100 na Licensee ng FedEx dito sa bansa, upang makalaro si Rommel Adducul sa Candidates Pool ng PBA na pagmumulan ng RP Team para sa Asian Games.

Ito ang inihayag ni Lina sa opisyal na launching ng koponang FedEx Express sa Cargohouse building sa Parañaque kahapon kung saan ipinakilala ang mga miyembro ng koponan.

"As always, if somebody calls on us, basta para sa bayan, nandito kami," pahayag ni Lina na nagsabing handa nilang balikatin ang buwanang suweldo ni Adducul para lamang makalaro ito sa National pool

Nang nasa poder pa ng ABS-CBN ang MBA na ngayon ay lumipat na sa NBN-4, si Adducul ay tumatanggap ng P500,000 at P325,-000 ay galing sa ABS-CBN at ang natitirang P175,000 ay mula sa kanyang koponang Batangas Blades.

Ngunit ayon kay Lina, sa kanilang pagkakaalam, P150,000 lamang ang sinasahod ni Adducul na pinagbawalang mag-laro ng Batangas sa Candidates Pool dahil kumplikado ito sa kanyang schedule sa MBA, at ito lamang ang kaya nilang ibigay.

Dumalo rin sa naturang press conference si PBA Commissioner Jun Bernardino na nakatakdang makipag-usap kay Lina ukol dito.

"The problem on Adducul and the MBA is more on financial. I’ll be having a private conversation with Mr. Bert Lina after hearing his gracious offer," ani Bernardino.

Sinabi naman ni coach Derrick Pumaren na ang malaking problema nito sa kanyang bagong koponan na agad mapapasabak sa pagbubukas ng 2002 PBA season sa Pebrero 10 kung saan makakalaban ng Express sa opening game ng Governors Cup ang Coca-Cola, ay ang ‘jelling’ ng koponan.

"Hopefully in two weeks time, magjijel na ‘yung team but in reality it’s not enough time," pahayag ni Pumaren. "But I guess the advantage we have against Coca-Cola is we’ve been practicing for over a month now."
Hawkins, Billiones problemado parin
Hindi pa rin nagkakasundo ang FedEx at si Bong Hawkins sa pagba-buyout ng kontrata ng player kung saan kinailangan na ang arbitration ng PBA.

Hindi magkasundo ang FedEx at si Hawkins kung alin sa Uniformed Players Contract (UPC) at sa side contract ang ibabuyout ng Airfreight 2100 na nakamana sa naturang player matapos bilhin ang prangkisa sa Tanduay.

Sa UPC, may tatlong taon pa ang natitira ni Hawkins at sa side agreement nito ay isang taon lamang.

Dahil lubhang napakalaki ng halaga ng UPC, nais ng FedEx na isang taon lamang ang babayaran na hindi naman pabor si Hawkins.

Dahil dito, hinihintay pa ang magiging desisyon ni PBA Commissioner Jun Bernardino upang lutasin ang naturang problema.

"I’m sure Mr. Jun Bernardino will come up a good solution for both parties," ani FedEx team manager Lito Alvarez.

Bukod sa kaso ni Hawkins, inaasahang mabibigyang solusyon din ni Bernardino ang problema ng isa pang player ng FedEx na si Egay Billiones na wala pang release papers mula sa Barangay Ginebra bagamat nasa poder na ito ng Airfreight 2100.

Si Billiones ay na-draft ng Ginebra, dalawang taon na ang nakakaraan kaya’t nasa kanila ang rights ng naturang player.

"There is no problem that can’t be solve," ani Bernardino. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ADDUCUL

ASIAN GAMES

BARANGAY GINEBRA

BATANGAS BLADES

BERNARDINO

BERT LINA

BONG HAWKINS

CANDIDATES POOL

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with