^

PSN Palaro

Stags ungos sa Red Lions

-
Pinayukod ng San Sebastian College ang San Beda College, 65-60 kahapon upang kumpletuhin ang cast ng semifinals ng National Capital Region eliminations ng Inter-Collegiate basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Umiskor si Nurjanjam Alfad ng 15 puntos, na sinuportahan ni Dominic Nadela ng 10 puntos upang ihatid ang Stags sa panalo at makasama ng Las Piñas College, National University at University of Santo Tomas sa susunod na round.

Sumandig ang Las Piñas College sa mga balikat nina Jim Gican, Joel Gragasin at Dennis Daa upang talunin ang Philippine School of Business Administration, 71-64, habang kumana naman si Jeff Napa ng 21 puntos para banderahan ang NU Bulldogs sa 114-90 pananaig kontra Metro Manila College.

Hinatak naman ni Christian Luanzon ang Tigers sa pagposte ng 70-59 panalo laban sa College of St. Benilde noong Huwebes.

Tatlong koponan mula sa NCR ang makakasama ng defending champion St. Francis of Assisi sa National Students Basketball Championships na nakatakda sa Peb. 24-Marso 4 sa Ormoc City.

Samantala, niyanig ng Philippine Sakya School ang Yorklin School, 59-39 upang kunin ang 2-0 kalamangan sa Metropolitan Amateur Sports Association (MASA) basketball tournament sa University of Manila gym.

Hiniya ng St. Peter ang PSA, 61-48 upang makopo ang solong ikalawang puwesto sa pamamagitan ng kanilang 2-1 win-loss slate, habang ginapi ng Cheng Kuang School ang Philadelphia, 59-43 para sa kanilang unang panalo.

CHENG KUANG SCHOOL

CHRISTIAN LUANZON

COLLEGE OF ST. BENILDE

DENNIS DAA

DOMINIC NADELA

JEFF NAPA

JIM GICAN

JOEL GRAGASIN

LAS PI

METRO MANILA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with