^

PSN Palaro

SSC Stags lusot sa St. Benilde, 2-1

-
Ipinagpatuloy ng San Sebastian College ang kanilang winning form kahapon sa seniors division ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ng Stags na pinangangasiwaan ni Frederick Morgan ang College of St. Benilde, 2-1 upang manatiling walang talo sa tatlong laro, habang nalasap naman ng Blazers ang kanilang unang talo sa tatlong asignatura.

Ginapi ni Niño Salvador si John Rey Moreno sa unang singles, 6-0, 6-2 bago nakipagtambal kay Arvin Ruel upang pabagsakin ang tambalan nina Moreno at Noel Zoleta sa doubles, 6-1, 6-2.

Kinana naman ni Edwin Agawin ang nag-iisang tagumpay ng Blazers nang kanyang payukurin sa ikalawang singles si Ruel, 8-6.

Nauna rito, sumandig naman ang defending champion Letran kina Menandro Econg, Chemiel Mantua at Von Ruelan upang hiyain ang Mapua Institute of Technology, 3-0, habang sinilat ng Jose Rizal University ang University of Perpetual Help-Rizal, 2-1.

Nagsipagwagi rin ang CSB, Letran at Philippine Christian University sa juniors division.

Itinala ng Baby Blazers ang kanilang ikatlong panalo nang talunin ang San Sebastian, 3-0, ginapi ng Squires ang Mapua, 3-0, habang nanaig ang Dolphins sa UPHR, 3-0.

ARVIN RUEL

BABY BLAZERS

CHEMIEL MANTUA

COLLEGE OF ST. BENILDE

EDWIN AGAWIN

FREDERICK MORGAN

JOHN REY MORENO

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with