Buhain manunumpa ngayon sa Malacañang
January 28, 2002 | 12:00am
Pormal na manunumpa ngayon si Eric Buhain bilang bagong Chairman ng Philippine Sports Commission.
Ang panunumpa ay pangangasiwaan ni Executive Secretary Alberto Romulo bilang kinatawan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kasaukuyang nasa ibang bansa.
Si Buhain ang ika-anim na Chairman ng naturang ahensiya matapos nitong palitan si Carlos Butch Tuason na nagbitiw sa kanyang tungkulin.
Sa ngayon ay wala pang naipapalit sa tatlong Commissioners ng PSC na papalitan dahil wala pang napipili ang Malakanyang.
Isa sa napupusuan ng Pangulo na inirekomenda rin ni Buhain ay ang dating Asias sprint queen na councilwoman na ngayon ng Meycauyan na si Lydia de Vega-Mercado.
Tanging si Cynthia Carrion lamang ang mananatiling Commissioner matapos magbitiw si William Ramirez habang papalitan naman sina Weena Lim at Ritchie Garcia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest