FedEx kontra Coca-cola sa PBA opening
January 28, 2002 | 12:00am
Mga bagitong koponan at bagitong mukha ang matutunghayan sa opening game ng 28th season ng Philippine Basketball Association na magbubukas sa Pebrero 10.
Nakatakdang magsagupa ang Airfreight 2100 Express at ang Coca-Cola Tigers sa kaisa-isang laro para sa pagbubukas ng season-opener na Governors Cup sa Araneta Coliseum.
Inaasahang dudumugin ang Araneta Coliseum sa Cubao ng mga panatiko ng basketball para matunghayan din ang magarbong opening ceremonies na sisimulan sa ganap na alas-4:00 ng hapon na agad na susundan ng labanan ng FedEx at Coca-Cola sa dakong alas-5:30 ng hapon.
Makikilatisan ang apat sa 20 imports na matutunghayan sa kumperensiyang ito matapos pahintulutan ng PBA board ang lahat ng koponan na magkaroon ng dalawang reinforcements na may pinagsamang 13-feet na height.
Makakaliskisan din ang top draft pick na si Yancy de Ocampo na inaasahang magiging haligi ng FedEx katulong ang dalawang imports.
Isa sa magiging import ng Express ay ang first round draft pick ng Houston noong 1997 na si Rhoderick Rhodes.
Hindi pa tiyak kung sino kina Venezuelan league standout Raphael Edwards at Jermain Taylor ang isa sa magiging import ng Fed Ex.
Ibabalik naman ng Coca-Cola, dating Pop Cola team, si Rossel Ellis na inaasahang sasamahan ng isang Fred Williams na pinipilit makuha ng Tigers.
Limang players ang ipapahiram ng Pop Cola sa national pool na kandidato para sa RP Team na isasabak sa Asian Games sa September sa Busan, South Korea.
Ito ay ang No. 2 pick na si Rafi Raevis, Rudy Hatfield, Poch Juinio, Johnny Abarrientos at Jeffrey Cariaso.
Tanging sina William Antonio at Freddie Abuda pa lamang ang sigurado sa koponan ng Coca-Cola.
Tanging si Ren-ren Ritualo, ang No. 8 pick lamang ang mawawala sa FedEx.
Samantala, maaari nang bumili ng privilege membership cards ng PBA. Tumawag lamang sa 636-5319/20 at hanapin si Gerry. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am