Alvarado magtatangka sa MBA?
January 26, 2002 | 12:00am
Dahil wala pa ring certificate of confirmation mula sa Department of Justice, magkakasya na lamang ang dating Tanduay Rhummaster Earl "Sonny" Alvarado sa Metropolitan Basketball Association na magbubukas sa Abril.
Si Alvarado at ilang dating mga players ng Tanduay ay nagtra-tryout sa Pangasinan Waves na nakatakdang magbalik sa MBA matapos mawala ng dalawang season.
Bukod kay Alvarado, sumisipot sa try-out ng Pangasinan sina Roderick Bughao, Jomer Rubi, Allan Yu at Victor Oliver Agapito.
May balita ring posibleng kunin ng Pangasinan ang manager ni Alvarado na si Lawrence Chong bilang bahagi ng kanilang coaching staff.
Si Alvarado, galing sa University of Texas, ang top pick ng 1999 PBA Draft nang piliin ito ng Tanduay na siyang nakakuha ng no. 1 pick matapos makipag-trade sa Alaska.
Sa naturang taon, nakasama si Alvarado sa Mythical Five ng PBA nang pumangalawa ang Tanduay sa Shell sa All Filipino Cup.
Ngunit sa huling bahagi ng elimination round ng All-Filipino Cup, pina-deport si Alvarado ng Immigration Bureau dahil natuklasan itong nandaya ng mga dokumento para suportahan ang kanyang dugong Pinoy.
Para makalaro sa MBA, working permit lamang ang kailangan nito. (Ulat ni AC Zaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended