Sudden death sa PBL Challenge Cup

Matuloy kaya ang isa na namang showdown sa pagitan ng magkaribal na Welcoat Paints at defending champion Shark Energy Drink o maipuwersa ng Kutitap Toothpaste at ICTSI-La Salle ang kanilang unang finals appearance?

Apat na koponan ang maglalaban-laban sa dalawang championship slots sa dalawang sudden death matches ngayon sa Game Two ng PBL Challenge Cup semifinals sa Makati Coliseum.

Mas maaga ang schedule ng laro kung saan hangad ng Welcoat na makabawi sa Kutitap para sa unang finals slot sa ala-1:45 ng hapon habang hangad naman ng defending champion Shark Energy Drink na maduplika ang naunang panalo kontra sa Archers sa alas-3:45 ng hapon.

Ang Welcoat at ICTSI ay parehong my twice-to-beat matapos makakuha ng awtomatikong semifinals berth ngunit kapwa nagtala ang Teeth Sparklers at Power Boosters ng panalong nagpuwersa ng sudden-death matches ngayon.

Tinangay ng Shark ang 63-54 panalo kontra sa Archers upang panatiliing buhay ang kanilang kampanya para sa pag-dedepensa ng titulo.

Samantala, itinalaga naman ni PBL Commissioner Chino Trinidad si Deputy Commissioner Tommy Ong bilang liason officer ng PBL sa Basketball Association of the Philippines.

Show comments