Ito ay sina Marlou Aquino na tatlong sessions nang di nasilayan sa Moro Lorenzo Gym sa loob ng Ateneo at Dennis Espino na dalawang beses nang di dumadating.
Kahapon, napilitan si Uichico na suspindihin ang tryouts dahil anim na players ang may dinaramdam bukod pa sa di pagsipot ng dalawang Sta. Lucia players.
Nagkaroon diumano ng di pagkakaintindihan sina Uichico at Aquino sa isang huddle na sinasabing dahilan ng di pagsipot ni Aquino sa sumunod na sesyon.
Nakisimpatya naman si Espino sa kanyang kasamahan kaya hindi rin ito sumisipot sa tryouts.
Sinabi diumano ni Uichico na pagmumultahin ang mga players na mahuhuli sa practice.
Tinanong ni Aquino kung saan manggagaling ang kanilang ibabayad sa multa gayong wala naman silang suweldo sa pagtra-tryout.
"There was just a misunderstanding and I think Marlou felt slighted with the words I said and how I said it and I understand him. Hopefully things will be ironed out soon. If he shows up, we will be tal-king about it," ani Uichico.
Sina Patrick Fran, Jeffrey Flowers at Chris Jackson ay masama ang pakiramdam habang nagkaroon ng groin injury si Don Camaso.
Posibleng manghimasok na rin si Philippine Basketball Association Commissioner Jun Bernardino upang ayusin ang gusot.
Inaasahang kakausapin ni Bernardino sina Aquino at Espino upang maging maayos ang lahat.
Sakaling hindi na tumuloy sa pagtra-tryout ang dalawa, hindi sila maaaring maglaro sa kanilang koponan para sa Governors Cup na magbubukas ng 2002 season ng PBA sa Pebrero 10.
Base sa alituntunin ng liga, ang mga players na na-cut sa national team lamang ang makakapag-laro sa kanilang mother team.
Ayon kay Uichico, ang dalawang players ay siguradong may puwesto sa pambansang koponan na sasabak sa Busan Asian sa September.
Sa iba pang balita, nagkasundo na ang FedEx at si Noli Locsin para sa 50% buy-out ng kontrata ng player.
Dahil dito, maaari nang makipagnegosas-yon si Locsin sa Red Bull na interesadong kumuha ng kanyang serbisyo.
Samantala, nagtagumpay ang Shell sa pagkuha ng serbisyo ng legitimate NBA veteran Chucky Brown para makatambal ni Askia Jones.
Ang 6-foot-8 na si Brown ay naglaro sa Los Angeles Lakers, Dallas Mavericks, Minnesota, Milwaukee, Phoenix, Atlanta, Charlotte, San Antonio, Golden State at Houston Rockets kung saan kabilang ito sa koponang nagsukbit ng titulo noong 1994-95 season. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)