^

PSN Palaro

3 pang players maghahabol sa Tanduay

-
Tatlo pang players ang maghahabol sa Tanduay para bayaran ang kanilang naiwan sa ereng side contracts.

Matapos lumabas ang balitang hahabulin nina Noli Locsin at Bong Hawkins ang dating Philippine Basketball Association ball club, ito rin ang planong gawin nina Zaldy Realubit, Dindo Pumaren at Ricky Calimag.

Ito ang pahayag kahapon ng kilalang player agent na si Danny Espiritu na nagsabing ayaw na sana niyang umabot pa sa korte ang usaping ito kaya’t umaasa siyang makikipag-usap ang Tanduay sa naturang kaso.

Nakapaloob sa side contracts ng limang players ang kanilang bonus schemes na hindi ipinasa ng Tanduay sa PBA Commissioner’s office kung saan ang nakarating lamang ay ang kanilang Uniformed Players Contracts (UPC).

"We just want to explain to Tanduay officials that we don't want the issue to reach the court, but at the same time, we want them to know that its their fault that this controversy came out," pahayag ni Espiritu.

Sa iba ang balita, hinihintay pa ng San Miguel ang pagdating ni John Seigle, tatay ni Danny bago hainan ng bagong kontrata ang player.

Nakatakda namang dumating sa bansa ang dating Ginebra import Jerrold Honneycut upang palakasin ang Talk N Text kasama ang dating Gonzaga standout na sina Ritchie Frahm.

Si Frahm ay isang 6’5 guard na naging best shooter sa All West Coast conference sa US National Collegiate Athletics Association.

Samantala, pursigido pa rin ang Phone Pals na italagang coach ang Amerikanong si Billy Bayno ngunit masusi nilang pinag-aaralan ang magiging reaksiyon ng Basketball Coaches Association of the Philippines na nakakuha ng DOLE ruling na nagbabawal kumuha ng foreign coach sa PBA teams.

Pumirma na rin sina Omanzie Rodriguez at Chito Victolero ng tat-long taong kontrata sa Sta. Lucia Realty gayundin din si Edwin Bacani sa Shell. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ALL WEST COAST

BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BILLY BAYNO

BONG HAWKINS

CARMELA OCHOA

CHITO VICTOLERO

DANNY ESPIRITU

DINDO PUMAREN

EDWIN BACANI

TANDUAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with